67% ng mga Pinoy ang tutol sa Cha-Cha – Pulse Asia

Dalawa sa bawat tatlong Filipino o katumbas ng 67 percent ang tutol sa planong baguhin ang 1987 Constitution.

Ito ay lumitaw sa survey na isinagawa ng Pulse Asia.

Sa naitalang 67 percent, 37 percent ang tinutulan ang pagbabago sa Saligang Batas habang 30 percent ang nagsabing tutol sila sa ngayon pero maaring maging bukas din sila sa Charter change sa susunod na panahon.

Isinagawa ng Pulse Asia ang survey mula June 15 hanggang 21 o dalawang linggo bago isumite ng binuong consultative committee ang draft ng panukalang Federal Constitution.

Lumitaw din sa survey na 55 percent ng Filipino ang alam ang panukalang amyendahan ang 1987 Constitution at 74 percent ang nagsabing halos hindi nila alam ang panukala.

Read more...