Bagyong Henry bahagyang bumilis habang kumikilos patungong extreme northern Luzon

Bahagyang bumilis ang kilos ng bagyong Henry habang tinatahak nito ang direksyon papalapit sa extreme northern Luzon.

Sa 8:00AM weather bulletin ng PAGASA huling namataan ang sentro ng bagyong Henry sa 440 km East ng Aparri, Cagayan.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kph malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 65 kph.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 35 kph sa direksyong pa-kanluran.

Nakataas pa rin ang public storm warning signal number 1 sa Batanes, northern portion ng Cagayan kabilang ang Babuyan Group of Islands, northern portion ng Apayao, at northern portion ng Ilocos Norte.

Ayon sa PAGASA, inaasahang dadaan sa bisinidad ng Babuyan Group of Islands ang bagyo mamayang gabi.

Ang Southwest Monsoon o Habagat ay maghahatid ng mga pag-ulan sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro Provinces, Palawan at sa Western Visayas.

Habang kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan sa natitira pang bahagi ng Luzon.

Sa Miyerkules ng umaga ay inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyo.

Read more...