Lindol tumama sa Agusan del Norte

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang bayan ng Kitcharao, Agusan del Norte.

Batay sa abiso na inilabas ng PHIVOLCS, naganap ang pagyanig kaninang alas-9:41 ng gabi.

Naitala ang sentro ng lindol sa 3km hilagangkanluran ng Kitcharao at may lalim itong 17km.

Tectonic ang origin ng pagyanig.

Ayon sa PHIVOLCS walang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian ang lindol at wala rin itong dalang aftershocks.

Read more...