Batangas niyanig ng lindol

Nakaranas ng pagyanig ang bayan ng Calatagan sa Batangas kaninang alas-8:45 ng gabi.

Ayon sa eathquake advisory ng PHIVOLCS, naitala ang episentro ng magnitude 3.7 na lindol sa 11km timogkanluran ng Calatagan.

May lalim itong 121km at tectonic ang pinagmulan.

Wala namang inaasahang anumang pagkasira ng mga ari-arian, maging aftershocks dahil sa nasabing pagyanig.

Read more...