Pangulong Duterte at Malaysian PM Mohammad magkasamang nanood sa laban ni Pacman

SAP Bong Go

Magkasamang pinanood nina Pangulong Rodrigo Duterte at Malaysian Prime Minister Mahathir Mohammad ang laban ni Pambansang Kamao Manny ‘Pacman’ Pacquiao at Argentinian boxer Lucas Matthysse na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Magkatabi sina Pangulong Duterte at Prime Minister Mohammad sa Axiata Arena.

Nabatid na sa ikaanim na round na ng laban nang dumating si Mohammad.

Napatayo pa si Pangulong Duterte at panay ang palakpak habang nanonood ng laban.

Pagkatapos ng laban, nagkamay pa sina Pangulong Duterte at Prime Minister Mohammad.

Kasama ng pangulo na nanood sa laban ang bunsong anak na si Baste Duterte, Special Assistant to the President (SAP) Bong Go, Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano, National Security Adviser Hermogenes Esperon, at iba pang mga opisyal.

Read more...