Pangulong Duterte gustong magretiro na sa boxing si Pacman

SAP Bong Go

Kung si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang masusunod, nais na niyang magretiro sa mundo ng boxing si Pambansang Kamao Manny ‘Pacman’ Pacquiao.

Ito ay matapos pabagsakin ni Pacquiao ang Argentinian boxer na si Lucas Matthysse sa pamamagitan ng technical knockout sa kanilang naging laban sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ayon sa pangulo, nais niyang makita si Pacquiao na nag-eenjoy na lamang sa kanyang buhay lalo’t marami naman na itong ipong pera.

Sinabi pa ng pangulo na wala rin siyang regrets sa panonood ng laban ni Pacquiao dahil maganda naman ang naging resulta.

Dagdag ng pangulo, na ito rin ang kanyang unang pagkakataon na lumabas ng bansa para lamang manood sa laban ni Pacman.

Sinabi naman ni Malaysian Prime Minister Mahathir Mohammad na isang maksaysayang araw sa Malaysia ang laban ni Pacquiao.

Matapos ang panonood ng boxing match, nakatakdang magpulong bukas sina Pangulong Duterte at Prime Minister Mohammad para pag-usapan ang ilang isyu sa seguridad at terorismo ng dalawang bansa.

Read more...