Huling namataan ang LPA sa layong 1,030 kilometro Silangan ng Basco, Batanes.
Inaasahang magiging bagyo ang LPA sa susunod na 24 hanggang 48 oras at papangalanang ‘Henry’.
Ngayong araw, uulanin ang Zambales, Bataan, Palawan, Mindoro at Western Visayas bunsod ng Habagat.
Pinag-iingat ang mga residente sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Sa Metro Manila, CALABARZON, Marinduque at Romblon ay patuloy na makararanas ng mga kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
Dahil sa trough ng low pressure area ay makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Eastern Visayas.
Sa buong Mindanao naman at nalalabing bahagi ng bansa ay ‘generally fair weather’ ang mararanasan na uulanin lamang bunsod ng isolated thunderstorms.