Notoryus na drug pusher, patay sa engkwentro sa Pasay

Patay sa engkwentro ang isang notoryus na tulak ng droga sa Brgy. 157, Apelo, Pasay City.

Nanlaban sa mga pulis sa isinagawang buy bust operation ang suspek na kinilalang si Salvador Evangelista Jr., 30 anyos.

Napag-alamang nasa drug watchlist si Evangelista at matagal nang iniimbitahan ng baranggay na sumuko sa Oplan Tokhang ngunit tumanggi ito.

Nagsagawa ang Drug Enforcement Unit ng Pasay City Police ng buy bust operation para sa ikadarakip ni Evangelista.

Gayunman, nakatunog ito na pulis ang kanyang mga katransaksyon, dahilan para paputukan nito ang mga pulis gamit ang kanyang kalibre .38 na baril.

Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa agarang pagkakasawi ng suspek.

Read more...