Dinagat Island, niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang munisipalidad ng Dinagat sa Dinagat Island, alas-3:46 kaninang madaling araw.

Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang episentro ng lindol sa layong 15 kilometro Silangan ng munisipalidad.

May lalim ang pagyanig na walong kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman inaasahan ang pinsala sa mga ari-arian at kasunod pang mga pagyanig.

Read more...