Ito ang iginiit ng boxing senator matapos ang official weigh-in na naganap kahapon kung saan tumimbang siya ng 146 pounds at pasok sa laban nila ni Lucas Matthysse.
Mamaya na ang laban ng dalawa para sa WBA welterweight crown sa Axiata Arena, Kuala Lumpur, Malaysia.
Ito ang unang laban ni Pacquiao matapos ang isang taon at 13 araw nang kalabanin si Jeff Horn sa Brisbane, Australia.
Para kay Pacquiao, napakahaba ng isang taon na ito at sabik na sabik na siyang muling umapak sa ring patunay ng kanyang dedikasyon sa larangan ng boxing.
Dagdag pa ng senador ang kanyang naging paghahanda ay patunay din kung gaano siya kagutom na manalo.
Ang kanyang laban kay Matthysee anya ang tutukoy kung dapat pa ba niyang ipagpatuloy ang boxing kasabay ng pagiging Senador ng bansa.
Samantala, sa isang hiwalay na panayam sinabi ng 39-anyos na boxing legend na magpapakitang gilas siya sa harap ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasa Malaysia na ngayon para panoorin ang kanyang laban.