Pacquiao at Matthysse pasok sa 147lbs welterweight limit

Parehong pasok ang timbang nina eight division world champion Manny Pacquiao at reigning WBA Welterweight World Champion Lucas Matthysse para sa boxing showdown sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Umabot ng 146 lbs ang bigat ni Pacquiao habang pumalo naman sa 146.7 lbs ang timbang ng Argentinian boxer.

Mayroong 147 pounds weight limit ang welterweight division na kanilang paglalabanan.

Maliban kina Pacquiao at Matthyse, sumalang rin sa weigh-in ang Pinoy boxer na si Jhack Tepora, na may timbang na 126.5-lbs. para sa WBA Featherweight World Championship fight kontra kay Mexican boxer Edivaldo Ortega, na may timbang na 125.4-lbs.

Read more...