Isinailalim sa paraffin test ang apat na pulis para alamin kung galing sa kanila ang bala na nakapatay sa 4-year old na batang si Bladen Skyler Abatayo sa isang anti-drug operation sa Barangay Ermita Cebu noong Martes.
Dahil dito, inihayag ng Philippine National Police na malaki ang posibilidad na hindi galing sa baril ng apat na pulis ang bala na tumama sa bata.
Pero iginiit naman ng PNP na bagamat nag-negatibo sa gunpowder, hindi pa naman nila inaalis ang responsibilidad ng mga pulis na ito sa pagkasawi ng bata.
Sa nasabing operasyon, nakatakas ang apat na drug suspect na tinutugis na ngayon ng pulisya.
Nauna nang sinibak ni PNP Chief Oscar Albayalde ang lahat ng mga pulis na sangkot sa nasabing operasyon habang nagsasagawa ng imbestigasyon sa kaso.