P3.757T 2019 national budget isusumite sa Kongreso

Magsusumite si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso ng P3.757 trillion 2019 national budget, ang unang cash-based budget sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), inaprubahan ng Pangulo ang cash-based budget sa Cabinet meeting noong July 9 para maging maayos at epektibo ang delivery ng serbisyo sa publiko.

Sinabi ni Budget Sec. Benjamin Diokno na ang shift sa cash-based budgeting ay magpapabilis sa implementasyon at pagkumpleto ng mga priority projects ng gobyerno.

Sa ilalim ng cash-based budget, obligado ang mga ahensya na ideliver ang produkto at serbisyo sa loob ng fiscal year imbes na ang pangakong pagbayad sa nakalaang pondo.

Dati ay pwedeng pumasok lang sa kontrata ang isang ahensya para makunsidera na nagastos ang pondo.

Nakatakdang isumite ng Pangulo ang panukalang pambansang pondo sa Kongreso sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa July 23.

Read more...