LPA nasa loob ng PAR; isa pa inaasahang magiging bagyo at papasok ng bansa ngayong araw

Isang low pressure area ang namataan sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ayon sa PAGASA.

Ayon sa weather bureau, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 500 kilometro Silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Bagaman maliit pa ang tyansang maging bagyo, inaasahang magdadala ng pag-uulan ang LPA sa Silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Samantala, isa pang LPA ang namataan sa labas ng PAR sa layong 1,970 kilometro Silangan ng Hilagang Luzon at inaasahang papasok ng bansa ngayong araw.

Ayon sa weather bureau, dahil nasa karagatan pa ay posible itong maging bagong bagyo.

Patuloy na nakakaapekto ang hanging Habagat sa Kanlurang bahagi ng bansa.

Inaasahan ang mga pag-ulan sa Palawan, Mindoro, Metro Manila, Zambales, Bataan, Western at Eastern Visayas at CARAGA region dahil sa Habagat.

Ang nalalabing bahagi naman ng bansa ay makararanas ng ‘generally fair weather’ liban na lamang sa mga isolated thunderstorms.

Read more...