Luis Manzano, pinabubura sa Twitter ang fake account ni Ate Vi

 

Hiniling ng Kapamilya TV host na si Luis Manzano sa Twitter na burahin ang account na nagpapanggap na nanay niyang si Batangas 6th district Congresswoman Vilma Santos-Recto.

Sa kanyang post, sinabi ni Luis na “Dear @Twitter, you might want to delete @vilmaSRecto for using my mom’s identity.

Nag-ugat ang reaksyon ni Luis matapos magtweet ang naturang fake account sa Twitter account ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA. 

Ang tweet ng @vilmaSRecto, “@MMDA pwede po ba pakiescortan kami dito ni @luckymanzano sa may Guadalupe.”

Nagreply pa ang MMDA sa tweet na iyon ng fake account ni Ate Vi.

Agad na pinalagan ito ni Luis, habang pinayuhan naman siya ng netizens na i-report ang nasabing fake account.

Sa kasalukuyan ay mayroong mahigit limang libong followers ang nabanggit na account, at ginamit pa ang litrato ng Star for All Seasons.

 

Read more...