Mga pulis sa anti-drug ops na ikinasawi ng isang 4-anyos na bata, pinarerelieve ni Albayalde

 

INQUIRER.net

Iniutos ni Philippine National Police o PNP Chief Oscar Albayalde kay Central Visayas Director Debold Sinas na i-relieve ang lahat ng mga pulis na sangkot sa pagkamatay sa anti-drug operations sa Cebu City kamakailan na ikinasawi ng isang apat na taong gulang na bata.

Matatandaang nasawi ang batang si Skyler Abatayo matapos na tamaan ng ligaw na bala, habang nagsasagawa ng operasyon ang mga pulis.

Ayon kay Albayalbe, ang kanyang direktiba ay sa gitna ng imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring krimen.

Bukod sa pagrelieve sa mga pulis, kailangan ding i-surrender ang mga baril para maisailalim sa ballistics examination.

Nagpa-abot din ng pakikiramay si Albayalde sa mga naiwang kaanak ni Skylar, sabay pagtitiyak ang “impartial investigation” ng PNP sa kaso.

Ani Abayalde, nagtutulong na ang PNP-IAS7 at SOCO-PRO7 upang mabatid ang tunay na may sala at mapanagot ito sa batas, habang maibigay ang hustisya para kay Skyler at sa kanyang pamilya.

Hindi rin daw magdadalawang-isip ang PNP na magsampa ng kaso kung mapatunayang may pagkakamali ang mga pulis kaya nangyari ang trahedya.

 

Read more...