Pinayuhan ng Philippine Airlines ang mga pasahero na mayroong flight ngayong weekend na maglaan ng mas mahabang oras sa biyahe patungo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ay dahil sa inaasahang mas masikip na daloy ng traffic sa mga lansangan sa Metro Manila bunsod ng aktibidad ng Iglesia ni Cristo (INC).
Sa abiso ng PAL, ang mga pasahero na magmumula sa north at western section ng NAIA terminal 2 at pinapayuhang maglaan ng dagdag na oras sa biyahe.
Isasagawa ng INC ang Worldwide Aid to Fight Poverty sa Linggo, July 15 pero mula July 14 ay may mga isasara nang lansangan.
Pinakaraming apektadong kalsada ay sa Maynila lalo na sa kahabaan ng Roxas Boulevard.
MOST READ
LATEST STORIES