Mataas na ratings ni Pang. Duterte hindi makatutulong sa mga mahihirap at gutom na Pinoy

Ang pagtaas ng ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte ay pang boost lang umano ng ego nito at ng gobyerno pero hindi nagpapakita ng katotohanan.

Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin, lagi namang mataas ang approval at trust ratings ng Pangulo sa Pulse Asia survey.

Bagaman pinataas anya ng survey ang ego ng administrasyon, hindi naman umano nito mababawasan ang pagiging mahirap at gutom ng mga tao.

Dagdag ng kongresista, hindi matatanggal ng survey ang 5.2% inflation, ang pagkawala ng mga trabaho at ang hindi maitaas na sweldo ng mga manggagawa.

Sa June 15 hanggang 21 survey o bago ang “stupid God” na pahayag ng Pangulo, nakakuha ito ng approval rating na 88% at trust rating na 87%.

Read more...