Thunderstorm advisory itinaas ng PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan

Inuulan ang malaking bahagi ng Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Sa thunderstorm advisory na inilabas ng PAGASA alas 7:35 ng gabi, katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang nararanasan sa Metro Manila, Cavite, Bataan, Tarlac at Nueva Ecija.

Inuulan na rin ang mga bayan ng San Antonio, Castillejos at Subic sa Zambales; Sta. Ana, Arayat, Mexico, San Fernando at Bacolor sa Pampanga; northern Quezon, at bahagi ng Rizal, Laguna, Batangas at Bulacan na tatagal sa susunod na dalawang oras.

Lahat ay pinapayuhan na maging maingat sa posibleng pagbaha at landslides.

Read more...