Health officials sa Amerika naglabas na ng babala sa pagkain ng isang brand ng cereals

Nagpalabas na ng abiso ang health officials sa Estados Unidos at pinaiiwas ang mamamayan nito sa pagkain isang brand ng cereals na maaring kontaminado ng salmonella.

Matinding babala ang inilabas ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) at inaabisuhan ang mga consumer na huwag kumain ng Honey Smacks na popular na breakfast cereal sa Amerika.

Umabot sa mahigit isang milyon na Honey Smacks ang binawi sa merkado ng manufacturer nitong Kellogg’s noong Hunyo makaraang umabot sa 100 katao ang naapektuhan sa 33 estado sa US.

Ayon sa CDC, posibleng ang nasabing cereal ang pinagmulan ng salmonella outbreak.

Ang salmonella infections ay maaring magdulot ng pagkakasakit sa mga tinatamaan nito.

Sa ngayon wala pa namang napaulat na nasawi dahil sa outbreak.

Read more...