Thunderstorm advisory nakataas pa rin sa maraming lalawigan

Nakataas pa rin ang thunderstorm advisory sa maraming lalawigan.

Batay sa inilabas na abiso ng PAGASA alas 5:35 ng hapon moderate to heavy rains na may kaakibat na pagkulog at pagkidlat at malakas na hangin ang nararanasan sa Zambales at Nueva Ecija.

Ang nasabing lagay ng panahon ay nararanasan na rin sa Laguna; mga bayan ng San Antonio, Tiaong, Dolores, Candelaria, at Lucban sa Quezon; Mabalacat, Angeles at Porac sa Pampanga; Tarlac City, La Pas at Concepcion sa Tarlac at mga bahagi ng Rizal at Batangas.

Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na maging maingat sa posibleng pagbaha at landslides.

Read more...