4 ang patay sa aksidenteng naganap sa Saranggani

CREDIT: Jason Tenerife Sionosa

Apat ang patay at maraming iba pa ang nasugatan makaraang maaksidente ang isang truck na may sakay na 38 katao sa Saranggani.

Naganap ang aksidente sa Barangay Malandag sa bayan ng Malungon.

Ayon kay Supt. Ramon Gencianos, hepe ng Malungon Police, nawalan ng preno ang truck habang nasa biyahe dahilan para ito ay mawalan ng kontrol at tumagilid.

Ani Gencianos, tumilapon ang mga pasahero ng truck.

Dinala sa Malungon Municipal Hospital ang mga nasugatan.

Read more...