Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magkakaroon ng kasunduan sa pagitan ng Department of Transportation (DOTr) at ng CHEd maging ng Maritime Industry Authority para mapangasiwaan ng CHEd at makapagsagawa ito ng inspeksyon sa lahat ng maritime schools.
Sinabi ni Roque na mahalagang mabantayan ang mga maritime school lalo pa at napakaraming Pinoy na nagtatrabaho bilang seamen.
Ani Roque, target ng pamahalaan na makahabol sa deadline para sa pagsusumite ng plano para makatugon sa requirements ng EU.
Una rito, naglahad ng pagkabahala ang European Maritime Safety Agency (EMSA) na regulatory arm ng EU hinggil sa pagtugon ng Pilipinas sa International Convention on Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers (STCW).
Mula 2006, nagpapadala na ng audit team ang EMSA sa bansa para matiyak na kwalikipikado ang mga Filipino seafarer na nagtatrabaho sa mga EU-flagged vessels.