Thunderstorm advisory itinaas ng PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan

Nagpalabas ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Sa abiso ng PAGASA na inilabas kaninang alas 12:20 ng tanghali, heavy hanggang intense na pag-ulan ang mararanasan sa Nueva Ecija, Bulacan, Rizal at Quezon sa loob ng dalawang oras.

Nararanasan na rin ang ganitong lagay ng panahon sa Paranaque, Las Pinas, Muntinlupa at Taguig; sa Cabang at San Felipe sa Zambales; sa San Jose, Tarlac; Bacoor, Imus, Dasmarinas at General Trias sa Cavite.

Gayundin sa San Pedro, Lumban, Pangsanjan, Luisiana at Cavinti sa Laguna at sa Padre Garcia sa Batangas.

Pinapayuhan ang mga residente sa lahat ng nabanggit na mga lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha at landslides.

Read more...