Glaiza De Castro naglabas ng hinaing sa mahabang pagtatrabaho nang walang OT pay

Naglabas ng saloobin ang Kapuso Actress na si Glaiza De Castro kaugnay ng mahabang pagtatrabaho ng mga artista.

Sa post sa kanyang Twitter account, kinuwestyon ni Glaiza kung patas raw ba na kaltasan ng sweldo kapag late pero kung mahigit 24-oras ka nang nagtatrabaho ay wala man lang daw ng overtime pay.

Hindi man matukoy kung sino o ano ba ang ang tinutukoy ni De Castro, at kung ipinost niya ba ito para sa nakararami o personal niya itong isyu na pinagdadaanan, hindi na siya nagbigay ng mga karagdagang detalye ukol rito.

Sumang-ayon naman ang ibang netizens at nagbigay din sila ng kanilang mga saloobin ukol sa parehas na isyu.

 

Read more...