Libertad, Antique niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang bayan ng Libertad sa lalawigan ng Antique.

Naitala ang lindol sa 8 kilometers North east Libertad kaninang alas 9:47 ng umaga.

May lalim lang na 1 kilometer ang lindol at tectonic ang origin.

Dahil sa nasabing lindol, naitala ng Phivolcs ang intensity IV sa Nabas, Aklan at intensity II sa Ibajay, Aklan.

Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang lindol.

 

Read more...