Ibabaon na lang sa lupa ng Bureau of Customs ang nakumpiska nilang 982 sako ng bigas sa Tacloban City.
Nabatid na limang taon nang nasa kustodiya ng BOC ang bigas matapos itong kumpiskahin bunga ng kawalan ng import permit mula sa National Food Authority.
Hindi na rin kinuha ng consignee na A-1 Milling Corp., ang mga bigas kayat kinumpiska na ito ng Customs Bureau.
Dalawang beses din na isinubasta ang mga bigas ngunit wala din nangyari hanggang sa masalanta na rin ito ng bagyong Yolanda noong November 2013.
Base din sa laboratory analysis, lumabas na na ‘unfit for human consumption’ na ang mga bigas maging sa mga hayop.
Bunga nito inirekomenda na lang na ibaon na lang sa lupa ang bigas na bukod sa naging halos pulbos na ay masama na rin ang amoy.