Bagong anak ipinakilala sa publiko ni Jomari Yllana

Ipinakilala ng aktor na si Jomari Yllana sa publiko ang kaniyang bagong baby boy.

Nanganak na kasi ang non-showbiz girlfriend ni Jomari na si Joy Reyes.

Sa kaniyang Instagram account nag-post si Jomari ng kaniyang larawan habang hawak ang anak na si Chistiano Ayrton.

Noong nakaraang taon, inaunsyo ni Jomari na siya ay magiging tatay muli.

Bago ang kaniyang relasyon sa non-showbiz girlfriend si Yllana ay naikasal sa aktres na si Aiko Melendez kung saan nagkaroon sila ng isang anak.

 

Read more...