Lolo arestado sa buy-bust sa Cebu

CDN Photo

Arestado sa ikinasang buy-bust operation ang isang 65-anyos na lolo sa Naga City sa Cebu.

Ikinasa ang buy-bust sa Barangay Langtad sa nasabing lungsod laban kay Ernesto Genodiala.

Ayon kay Chief Insp. Roderick Gonzales, Naga City police chief, bago lang sa kalakaran ng ilegal na droga ang suspek.

Nakuha mula sa kaniya ang maliliit na plastic sachet ng shabu na tinatayang aabot sa P40,000 ang halaga.

Nakakulong na ngayon sa Naga City police precinct ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kaniya.

 

Read more...