Sa inilabas na resulta ng survey ng Pulse Asia na isinagawa noong June 15 hanggang 21, 2018, nakakuha si Pangulong Duterte ng 88 percent na approval rating. 3 percent lamang ang nakuha niyang disapproval at 10 percent naman ang undecided.
Mataas na 87 percent din ang nakuhang trust rating ng pangulo. 2 percent lang ang nagsabing maliit ang tiwala nila sa pangulo at 11 percent ang undecided.
Noong January 2018 nakakuha ang pangulo ng approval rating na 80 percent at trust rating na 82 percent.
Samantala sa parehong survey si Vice President Leni Robredo ay nakakuha ng trust rating na 56 percent at approval rating na 62 percent.
Si dating Senate President Koko Pimentel naman ay nakakuha ng trust rating na 64 percent at approval rating na 72 percent.
Si House Speaker Pantaleon Alvarez ay nakakuha ng trust rating na 45 percent at approval rating na 47 percent.
Habang mababa ang nakuha ni dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na mayroon lamang 19 percent na trust rating.
Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng pagtatanong sa 1,800 na adults sa iba’t ibang bahagi ng bansa.