Umabot na sa 41 ang bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Lando.
Sa pinakahuling datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRMMC), ang mga naitalang nasawi ay 7 mula sa Region 1; tatlo ang mula sa sa Region 2; pito mula Region 3; dalawampu’t isa sa Cordillera Administrative Region (CAR); dalawa sa NCR; at isa sa Region 4-A.
Ang mga nasawi sa CAR ay pawang biktima ng pagguho ng lupa at pagragasa ng tubig.
Nakapgtala naman ng 78 sugatan na karamihan ay mula sa Region 3, partikular sa lalawigan ng Nueva Ecija.
Sa datos ng NDRRMC, umabot na sa P7.3 billion ang halaga ng pinsala ng bagyong Lando sa agrikultura at infrastructure.
Habang umabot sa mahigit isang milyong katao ang naapektuhan mula sa Regions 1, 2, 3, 4-A, 5, NCR at CAR.
Aabot naman sa halos labing siyam na libong mga bahay ang nasira dahil sa bagyong Lando sa mga naapektuhang lalawigan sa Luzon.