Ang desisyon ng St. Louis Court ay pumapabor sa mga naghain ng reklamo laban sa naturang kilalang kumpanya.
Kabilang sa pinaburan ng korte ang $4.14 billion na punitive damages at $550 million na compensatory damages.
Ito ay makaraan ang anim na linggong paglilitis ng St. Louis Circuit Court.
Sa closing arguments sinabi ng abogado ng mga nagreklamo na alam ng pamunuan ng Johnson & Johnson na ang produkto nila ay nagtataglay ng asbestos pero hindi nila binalaan ang kanilang consumers.
Sa isang pahayag, iginiit naman ng tagapagsalita ng Johnson & Johnson na si Carol Goodrich na ligtas ang kanilang produkto at iaapela nila ang pasya ng korte.