PCOO Asec. Ablan pinagbibitiw ni Rep. Bertiz dahil sa pagpalakalat ng fake news ukol sa mga OFW

Pinagbibitiw na ni ACTS-OFW Representative John Bertiz si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secrerary Kris Ablan dahil sa pagpapakalat umano nito ng fake news na may kaugnayan sa usapin ng mga overseas Filipino workers (OFW).

Sa press conference sa Kamara ay sinabi ni Bertiz na binago ni Ablan ang kanyang naging pahayag sa pre-State of the Nation Address (SONA) forum kung saan hinamon niya ang Department of Labor and Employment (DOLE) na bumuo ng bagong strategies at programs para mapagpabuti ang kondisyon ng 7,000 Pilipinong lumalabas ng bansa para magtrabaho.

Iginiit ni Bertiz na pinalabas ni Alban sa harapan ng maraming tao na sinabi nito na walang nagawang programa ang Duterte administration para sa mga OFWs, bagay na mariing itinanggi ng mambabatas.

Sinabi nito na walang lugar si Ablan sa PCOO dahil sa maling impormasyong ipinakalat nito.

Tinawag pa ni Bertiz na “idiot” si Ablan dahil sa kanyang ginawa.

Bukod dito, hinimok din nito si Ablan na humingi ng public apology.

Read more...