Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bayan ng Governor Generoso sa Davao Oriental kaninang ala-1:35 ng madaling araw.
Sa abiso na inilabas ng PHIVOLCS, naitala ang pagyanig sa 164km timogsilangan ng Governor Generoso.
May lalim na 25km ang lindol at tectonic ang pinagmulan nito.
Ayon sa PHIVOLCS, walang inaasahang pagkasira o aftershocks dulot ng nasabing pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES