Direk Joyce Bernal planong maipakita ang pagmamahal ni Pangulong Duterte sa bansa sa ikatlong SONA

Misyon ni Direk Joyce Bernal na maipakita sa mga manonood ang pagmamahal ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bansa sa SONA na gaganapin sa Hulyo 23.

Ininspekyon ni Bernal ang plenary hall ng Batasang Pambansa, kahapon 12 para pag-aralan ang magiging ruta ng pangulo sa lugar, mga posibleng anggulo ng ilaw at camera, at iba pang detalye para sa nalalapit na ikatlong SONA.

Gusto umano niyang maipakita sa pamamagitan ng magagandang sequence ng mga kuha sa pangulo ang pagmamahal nito sa Pilipinas.

Nakipagpulong si Bernal sa opisyal ng Malacañan noong Miyerkules para sa kanyang mga hiling bilang direktor ng SONA.

Nais umano ng Palasyo na maipakita kung paano magsalita ang pangulo bilang mayor, bilang ama, at bilang presidente. Hiling ng Malacañan na maipadama sa SONA ang pakiramdam na iyon sa kanyang pagharap sa Kongreso.

Magiging patriotic aniya ang tema ng ikatlong SONA ng pangulo.

Ayon kay Bernal, ibang iba raw ang pagdidirek ng SONA sa kanyang karanasan sa pagdidirek ng mga rom-com na pelikula.

Read more...