Kongreso nakahanda na para sa ikatlong SONA ng pangulo

All system go na para sa ikatlong State of the Nation Andress (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 23.

Tiniyak ng Task Force SONA ng Kongreso na handa na sila para sa taunang report ng pangulo sa taumbayan.

Ayon kay House of Representatives sergeant-at-arms Lieutenant General Roland Detabili, mas handa ngayon ang kanilang security personnel at ibang kaukulang ahensya kumpara sa nakaraang SONA.

Mas marami aniya ang kagamitan ngayon at ang paraan para ilahad ang national address ng pangulo.

Noong nakaraang taon ay lumabas ang pangulo matapos ang kanyang SONA at hinarap ang mga nag-protesta.

Pero ngayong taon, aabisuhan ng Presidential Security Group (PSG) ang pangulo na huwag ulitin ang ginawa nito para sa kanyang seguridad.

Samantala, sinabi ni House Secretary General Cesar Pareja na inaasahan nila ang 3,000 guests na doble sa seating capacity ng session hall kaya magdaragdag sila ng mga upuan.

Read more...