MILF nagtungo sa Camp Aguinaldo sa unang pagkakataon

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ay nakapasok sa loob ng Kampo Aguinaldo ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Nag-courtesy call sina MILF Chief of Staff Abdulraof Macacua at Vice Chairman Ghazali Jaafar, maging ang mga miyembro ng Bangsamoro Transition Commission kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Carlito Galvez sa Camp Aguinaldo sa Quezon City kahapon.

Binigyan ng arrival honors at malugod na tinanggap ng mga sundalo ang mga miyembro ng MILF.

Layon ng hakbang ng AFP na maiparating ang kanilang pagsuporta sa Bangsamoro peace process o pagsusulong ng kapayapaan sa Mindanao region.

Ayon naman kay Jaafar, lubos na ikinalulugod ng MILF ang imbitasyon ng AFP at natutuwa sila sa pagtanggap sa kanila ng mga opisyal ng militar.

Nagpulong ang magkabilang-panig kaugnay sa isinusulong na Bangsamoro Basic Law o BBL, na ngayon ay tinalakay sa Bicameral Conference Committee.

Read more...