Pinalawig ng FIBA ang deadline para sa pagsusumite ng position papers ng Samahang Basketbol ng Pilipinas at Basketball Australia kaugnay ng naganap na gulo sa pagitan ng dalawang koponan sa kanilang World Cup Qualifiers match noong Hulyo 2, sa Philippine Arena.
Ayon kay SBP President Al Panlilio, mayroong hangang alas-6 ng umaga sa Sabado, July 14 ang dalawang panig upang magpasa ng kanilang pormal na paliwanag, imbes na noong July 10.
Magbibigaydaan umano ang nasabing extension ng deadline upang mareview nila ang kani-kanilang mga posisyon sa nasabing gulo.
Matatandaang 13 players mula sa Gilas at Boomers ang tinanggal sa laro nang dahil sa insidente. Maliban dito makikitang nakisali rin sa gulo ang iba pang Gilas players na sina Jio Jalalon, Allein Maliksi, at assistant coach na si Jong Uichico.
Nagdulot ng sanction para sa mga manlalaro, mga coach, at pati sa SBP ang naturang kaguluhan.
Ayon kay Panlilio, binigyan ang SBP at Basketball Australia ng kopya ng video ng insidente. Aabutin umano ng isa hangang dalawang linggo bago maglabas ang FIBA ng pinal na deisyon ukol sa isyu.