Malacañang kay Robredo: ‘We are the 2nd fastest growing economy in the world’

“Darling economy”.

Ganito isinalarawan ng Palasyo ng Malacañang ang ekonomiya ng bansa bilang sagot kay Vice President Leni Robredo.

Matatandaang matapos tawaging ‘incompetent’ ni Pangulong Rodrigo Duterte ay sinabi ni Robredo na dapat ay pagtuunan na lamang ng pansin ng pangulo ang ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Roque, walang problema ang Pilipinas sa ekonomiya at sa katunayan anya ay ‘second fastest growing economy’ ang Pilipinas sa buong mundo.

Sinabi pa ng kalihim na lahat ng bansa sa buong mundo ay sasang-ayon na isang ‘darling economy’ ang Pilipinas.

Ang naturang pahayag ay sa kabila ng pagsipa ng inflation rate ng bansa sa 5.2 percent nitong Hunyo na pinakamataas na antas sa loob ng limang taon ayon mismo sa gobyerno.

Samantala, humina naman ng 6.5 percent ang piso kontra dolyar ngayong taon na isa ngayon sa worst performing currency sa Asya.

Read more...