Palitan ng piso at dolyar nagsara sa P53.5:$1; pinakamababang halaga sa 12 taon

Nagsara ang palitan ng piso at dolyar nitong Huwebes sa P53.50 sa kada $1 na kapareho lamang noong araw ng Miyerkules.

Ito ay sa kasagsagan ng nababawasang tensyon sa kalakalan ng China at ng Estados Unidos.

Bumaba ng apat na sentimo ang halaga ng piso mula sa P53.46 sa kada $1 noong Martes na pinakamababang halaga nito sa nakalipas na 12 taon o sa P53.55 sa kada $1 noong June 29, 2006.

Ayon kay Union Bank of the Philippines Chief Economist Carlo Asuncion, nakakatulong sa pagkalma ng merkado ang posibilidad ng muling pagsasagawa ng trade talks ng China at US.

Matatandang ayon sa mga ulat, nagbabala kamakailan si US President Donald Trump sa posibilidad na pagpapataw ng tariff sa mahigit $500 bilyong halaga ng Chinese imports.

Read more...