Senador Grace Poe hindi sigurado kung muling tatakbo sa 2019 elections

Nag-aalinlangan si Sen. Grace Poe kung siya ay muling tatakbo sa 2019 midterm elections.

Ito ay sa kabila ng pangunguna ng senadora sa mga survey sa mga posibleng manalo sa naturang halalan.

Sa isang panayam, sinabi ni Poe na kanyang ikinukonsidera ang kanyang asawa na si Neil Llamanzares, na na-trauma sa nangyari noong 2016 Presidential elections.

Anya, kailangan niyang makipag-usap sa kanyang asawa tungkol sa isyu.

Hindi naman kampante ang senadora sa pangunguna niya sa senatorial surveys ngunit mas pinahahalagahan niya anya ang kanyang approval at trust ratings.

Dahil sa mga naturang rating ay nararamdaman niya anya kung gaano siya pinagkakatiwalaan ng publiko na mas nais niyang pahalagahan.

Ikinukonsidera rin ni Poe na isa nang malaking tagumpay na ang kanyang mga panukalang batas ay prinayoridad at inaprubahan tulad na lamang ang pagbuo sa national feeding program na kamakailan lang ay nilagdaan ng pangulo.

Read more...