Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na walang ipinatupad na dagdag pasahe sa jeep ang ahensya sa Northern Mindanao.
Ito ay matapos makatanggap ang LTFRB ng mga reklamo na nagtaas ang mga tsuper ng pamasahe na aabot sa P3 hanggang P5.
Iginiit ni LTFRB regional director Aminoden Guro na nananatili ang presyo ng pasahe sa rehiyon at walang ipinatupad na dagdag.
Anya pa, ang pisong provisional increase na inaprubahan ng LTFRB ay para lamang sa Metro Manila, Gitnang Luzon at CALABARZON.
Nagbabala ang opisyal sa mga tsuper na mapatutunayang naniningil sa pasaheng lampas sa ipinatupad ng regional office ay pagmumultahin ng P5,000 hanggang P15,000.
MOST READ
LATEST STORIES