Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang kampo ng mga Tulfo ang nag-alok na ibabalik ang pera subalit hanggang ngyaon ay wala pa.
Kasabay nito, ipinauuubaya na ng palasyo sa sa Ombudsman ang pag-aksyon sa Commission on Audit (COA) report na nagsasabing may “conflict of interest” sa kontrata dahil magkapatid sina dating Tourism Sec. Wanda Tulfo-Teo at Ben Tulfo na may-ari ng Bitag Media Unlimited.
Ang nasabing production company ang producer ng TV show na “Kilos Pronto” kung saan naglagay ng advertisement ang DOT.
Inihayag ni Roque na mabagal lang ang Ombudsman pero nagsasampa naman sila ng kaso kinalaunan kung may basehan.