Nanindigan ang Consultative Commitee (ConCom) na hindi nito ieendorso ang Federal Constitution kung hindi kasama ang anti-political dynasty provision.
Sinabi ito ni dating Supreme Court Chied Justice Reynato Puno na siyang ang chairman ng ConCom na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumalangkas ng Saligang Batas para sa Pederalismo.
Ayon kay Puno, makapangyarihan na sa ilalim ng kasalukuyang Konstitusyon ang political dynasty at maaari pang maging mas makapangyarihan sa ilalim ng Pederalismo kung wala ang anti-political dynasty provision.
Paliwanag ni Puno, marami na kasing posisyon sa gobyerno ang monopolyado ng iilang pamilya lamang.
Ang draft ng Federal Constitution ay isinumite na ng ConCom kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa Kongreso.