Nanindigan ang Malacañang na hindi pang-iinsulto ang ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte nang sabihin nitong incomptent o walang kakayahan si Vice President Leni Robredo na pamunuan ang bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, naging prangka at tapat lamang ang pangulo sa kanyang pagtaya sa kakayahan ni Robredo.
Ibinase lamang aniya ng pangulo ang kanyang pahayag sa tatlumpung taong karanasan na panunungkulan sa gobyerno at sampung taon sa pagiging prosecutor.
Binuweltahan rin ng palasyo ang batikos ni Robredo na sa halip na batikusin ang kanyang performance ay mas makabubuti aniyang atupagin na lamang ng gobyerno ang mga problema patungkol sa ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Roque, walang problema ng ekonomiya ng bansa dahil sa ikinasang Build Build Build program ng pamahalaan.