Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, nakatakdang simulan ang pagtatayo ng dalawang tulay sa susunod na linggo.
Inaasahan umanong matatapos ang dalawang proyekto na parehong popondohan ng People’s Republic of China sa taong 2020.
Ang Estrella-Pantaleon Bridge ay may kabuuang haba na mahigit 500 meters.
Ang Binondo-Intramuros Bridge na dadaan sa Pasig River ay may habang 734 meters.
Sa oras na matapos ang dalawang tulay, inaasahang maiibsan ang traffic sa ilang mga pangunahing tulay sa Maynila, Makati at Mandaluyong.
Nabatid na bahagi ang dalawang tulay ng Metro Manila Logistics Improvement Network na isang traffic management plan na binubuo ng labing dalawang mga bagong tulay na daraan sa Pasig River, Marikina River at Manggahan Floodway.