Ang cash card ay ipamamahagi bunsod ng mataas na presyo ng produktong petrolyo mula nang ipataw ang excise tax simula ng ipatupad ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law.
Magagamit lamang ang naturang cash card na may laman na P5,000 para sa diesel at hindi sa iba pang bagay.
Kung susumahin ay mayroong P833 pesos ang bawat tsuper kada buwan at P42 pesos naman kada araw.
Target na mabigyan ang nasa 178,000 jeepney operators ng naturang cash card na magagamit mula ngayong Hulyo hanggang sa Disyembre.
Tanggal ang sinumang jeepney operator na gagamit sa naturang cash card sa mga mall o grocery store.
Samantala, ang Landbank at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mamamahagi ng naturang cash cards.