40 katao hinuli sa Maynila sa nakalipas na magdamag

Inquirer file photo

Aabot sa halos 40 katao ang hinuli dahil sa paglabag sa iba’t ibang ordinansa sa Maynila sa nakalipas na magdamag.

Isinagawa ang operasyon ng iba’t ibang police stations sa lungsod.

Sa Moriones Police Station, 28 ang nahuling dahil sa paglabas sa lansangan nang walang suot na damit pang-itaas habang 3 naman ang nahuling umiinom sa pampublikong lugar.

Mayroon namang 4 na nahuli ding nag-iinom sa kalsada at dalawang walang suot na pang-itaas ang mga tauhan ng Abad Santos Police Station.

Sa Raxabago Police Station, may nahuli ding mga damit pang-itaas.

Isinailalim lamang sa profiling ang mga nahuli at ang mga first-time offenders ay pinayagang umuwi habang pinatawan ng multang multang P500 pataas ang mga dati nang may paglabag.

Read more...