LPA, binabantayan ng PAGASA; posibleng pumasok sa bansa sa Sabado

Binabantayan ng PAGASA ang isang sama ng panahon sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa 4am weather advisory ng weather bureau, huling namataan ang low pressure area (LPA) sa layong 1,365 kilometro Silangan ng Visayas.

Wala pa itong epekto sa anumang bahagi ng bansa ngunit inaasahang papasok ito ng PAR ngayong weekend.

Sakaling maging bagyo habang nasa loob ng bansa ay papangalanan itong Henry.

Samantala, isa pang cloud cluster o kaulapan ang namataan sa Silangang bahagi ng Mindanao na may posibilidad ding maging isang LPA.

Makakaaepekto ang naturang cloud cluster sa Mindanao.

Ngayong araw, inaasahan ang pag-ulan bunsod ng Habagat sa MIMAROPA, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas Palawan, Bulacan, Pampanga at Westen Visayas.

Maulap na kalangitan na may pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa natitirang bahagi ng bansa.

Nakataas ang gale warning sa mga karagatan sa western seaboard ng Southern Luzon kung saan maalon hanggang sa lubhang maalon ang mga katubigan.

Pinayuhan ang mga mangingisdang may maliliit na sasakyang pandagat na huwag munang mamalaot.

Read more...