Magtutungo ngayong umaga si Pangulong Benigno Aquino III sa lalawigan ng Aurora para personal na magsagawa ng inspeksyon sa pinsalang naidulot ng bagyong Lando sa lalawigan.
Alas 9:30 ng umaga inaasahang darating si PNoy sa APECO Airport sa bayan ng Casiguran.
Sasama si Pangulong Aquino sa isasagawang aerial inspection sa lalawigan, upang makita ang lawak ng pinsala na iniwan ng bagyong Lando.
Matapos ang gagawing aerial inspection ay didiretso sa munisipyo ng Casiguran ang pangulo kung saan siya bibigyan ng briefing Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council.
Pangungunahan din ni PNoy ang pamamahagi ng relief goods, kasama si Aurora Governor Gerardo Noveras ay Casiguran Mayor Ricardo Bitong.
MOST READ
LATEST STORIES